Makabagong Kabihasnan

ni Darwin Tapayan

Sa usad-panahon tao'y nabihasa;
Pantas na dakila, nakilalang kusa,
Sa kinang at tanyag ng bagong likha
Badhang mapapahamak buhay ng madla.

Kagandahan ng daigidig ay naagnas
Nitong usad-panahon ng taong-hamak;
Pantas at dalubhasa'y nangagsitukllas
Totoo't masarap, 'pag nagawi'y 'saklap.

Usad-panaho'y usad ng kabihasnan;
Kung anong sipol ay siyang kahalingan
Ng taong 'di na inisip ang hantungan
Ng mundong narurupok sa kadiliman.

Comments

Popular posts from this blog

Aklanon Common Greetings and Salutations

Patugma (Aklanon Riddles)

“Mamugon”