Kabataan: Handog ng Diyos

ni Darwin Tapayan

by ponoramio

Kabataan… kabataan,
Ikaw na mulat sa bagong kabahisnan
Handog  ka ng Diyos sa kaunlaran
Sa masagana at mapayapang bayan.

O kabataan… anak ng Diyos
Pinagpala ka sa kaibigan lubos
Ikaw na huwaran sa lahat ng musmos,
Sabik ng Diyos ay huwag nawang malimot.

Kabataan… magsumikap ka’t magtiyaga
Batirin ang inam ng pagpapala
Itatag ang saligan ng pananampalataya
At ihandog ang karunungan sa kapwa.

Kabataan, landas mo’y pakatuwirin
Kautusan Niya’y iyong sundin
Nang ika’y di mapariwara sa dilim
Nang buhay mo’y umunlad rin.

Kabataan… hali na sa kapatiran
Mag-isa at mangagsipagkaibigan
Sama-samang harapin ang kinabukasan,
Maglakbay sa landas ng kutuwiran.

Kabataan, magulang mo’y umaasa
Buhay mo sa bukas ay gumanda
Na sa kanila’y ihandog ang ligaya,
Mainam at matatag na pagsasama.

O kabataan, magsumikap kang maabot
Pangarap mong sa bukas ay handog,
Sa Simbaha’y karangalan nawa ang dulot,
Paglago ng kapatiran ay isa-Diyos.

Kabataan, dapat mong matanto
Hawak mo ang bukas at ikot ng mundo
Nasa kamay mo ang bayan sa paglago,
Nawa’y suma-Diyos ang iyong puso.

Kabataan, hangarin mo ang langit
Kapalaluan ay huwag nawang masapit
Nang madama mo ang ligayang sambit
At puso mo sa Diyos ay ihalik.

Kabataan, mga sandali ay pakaingatn
‘Pag lumipas na’y ‘di na mababalikan;
Pangarap mo ngayo’y isakatuparan
Nang sa bukas ay madama ang kaligayahan.

Comments

Popular posts from this blog

Aklanon Common Greetings and Salutations

Patugma (Aklanon Riddles)

“Mamugon”