Harden sa Umaga


ni Darwin Tapayan

Ikaw ba'y nalulungkot
o nadarama ang pighati't pagluha?
Huwag kang mahiya
sumilip saglit
sa paligid na sayo'y umaali-aligid.

Masdan mo ang harden sa umaga
tunay ngang mga bulaklak nito'y kayganda--
Hindi ba't iba't ibang kulay?
Kanina lamang ay makikta
sa'yong mga mata ang pagluha
ngayo'y makikita na lamang
kumikislap, nagningning
lumiliwanag na para bang bituin.

Kaibigan, alam kong ikaw ay naglalakbay
tungo sa magandang bukas;
Ikaw ba'y nalulungkot
o di kaya'y nababagot?
Ikaw ba'y nalulumbay
o nawawalan ng pag-asa sa buhay?
Lagi mong isiping Siya'y nariyan
at ang harden sa umaga
na lagi mong makakasama.

Comments

Popular posts from this blog

Aklanon Common Greetings and Salutations

Patugma (Aklanon Riddles)

“Mamugon”