Lunggati ng Buhay

ni Darwin Tapayan

Sa dakong madilim, ako'y iyong masisilayan
Dalamhati sa puso'y kailan ko mauunawaan;
Hiling ko lang nama'y makapumiglas sa karukhaan
Ngunit kailan ko madaratnan ang hiyas na kapalaran.

Aalis ako upang malayo sa sinawa'ng kabihasnan
At kung sakaling ako'y madapa, pagbango'y asahan
Sa tuktok paroon, aking babakasin, mga karaanan
Maliko't malayo, matitiis at s'yang hantungan.

Paalam sinta ko't ako'y maglalandas
Muli't muli'y magbabalik at sa inyo'y may isisiwalat:
"Inang halika't ako'y hagkan
Lunggati ng buhay ay aking nakamtan."

Comments

Popular posts from this blog

Aklanon Common Greetings and Salutations

Patugma (Aklanon Riddles)

“Mamugon”