isang talumpati na isinulat ni Darwin Tapayan “Kabataan… haplusin mo ang iyong lumipas…,” pagsulat ng mga maninitik na sina Lolita Nakipil at Leticia Dominggo. “Sa panitikan mo, doon natitik / Kultura ng lahi, banal na mithiin / Sikhay sa paggawa, wagas na damdamin / Bawat Pilipinong may pusong magiting.” Ang aking talumpati ngayong gabi ay handog para sa mga kabataang gaya ko at kung inyong mararapatin ay para sa lahat ng mga nagmumukhang-bata at nag-iisip-bata (ngingiti)… hindi biro lang poi yon! Sa katunayan, marahil ay nabibingi na tayo sa paulit-ulit na salita mula sa bayaning dakila—“Ang kabataan, pag-asa ng bayan.” Bagaman gasgas na, ang katotohanang ito kailan man ay 'di na kukupas pa. Saan man, kailan man, ‘di ko maipagkakaila, “Ako ang pag-asa ng bayan.” Ating ikarangal ang lahing matapang , magiting sa sandaigidigan, upang kanilang mabatid ganda n gating kasaysayan. Ang bayang ito ay humaharap sa samu’t saring suliranin at usapin sa kasalukuyan, panloob man it...