Panaghoy ng Kalikasan
ni Darwin T. Tapayan
O kay rangya ng tanawing malilikas
Sa nangaroong tubig sa ilog na naglalagaslas
Sa mayuming namumukad na mga bulaklak--
Bulaklak na hinamog ng gabing lumipas.
Sa masukal na gubat ang mga ibo'y naglawiswis
Nagdadalamhati kay Inang kalikasan sa kapahamakang nasapit--
Nanaghoy ang tinig, umiiyak, waring nanangis
Tawag ay madla sa kahangalang sa kanya idinungis.
Sa kamunting hampas ng hangi'y may tinig ng galak
Sa lipos nitong dalisay, ang mga daho'y nagpalakpak;
Nilalandas karagatan at patag hanggang gubat
Hinahaplos nitong hanging dalisay ang pusong tapat.
Ang mga puno sa gubat, nangamba, nagimbal
Nang maulinig, yabag nitong mga taong balot-hangal
Tila nalalapit sa kapahamakan, kalikasa'y mautal
Sa hangganan ng salinlahi'y daigdig ang mabubuwal.
Bakit ba tubig sa dagat ang nayaring dungisan
Ng mga taong umaasa rin lang kay Inang Kalikasan
Manariwa pa kaya ang tubig sa dagat na kabang-yaman
Nitong ating minamahal at bukod tanging bayan?
Nang malikha, kalikasa'y lipos sa kagandahan
Sa daigdig ay niyaring balot ng yumi at hirang
Tao noo'y wala pang muwang na kalauna'y nabihag ng kasamaan
Kaya itong huli'y dinamay likhang kalikasan.
Liko't baluktot isip ng sangkatauhan kung kaya't hangal
Sa pangangalaga sa kalikasa'y walang tamang asal
Sinira kagandahan ng kalikasang noo'y maringal
Bakit ngayo'y balot ng kahabasang gawaing bawal?
Kaya sana'y matutuhang ituwid nitong hangal na madla
Habang ang mundo'y 'di pa narurupok, habang maaga;
Ang kagandahan ng kalikasa'y unti-unting nawawala
At darating ang panahong tayo rin ang tutunganga.

Comments
Post a Comment