Munting Alaala

ni Darwin Tapayan

Sadyang dagli ang araw ng buhay
Mga alaala'y lumilipas, naglalakbay,
Yaong sandali ng hamo'y yaring naghihintay
Sa panibagong bukas nitong paglalakbay.

O kay inam damhin ang masasayang samahan
Mga alaala ng tunay na pagkakaibigan,
Yaong mga sandali ng kuwentuha't tawanan
Nawa'y masariwa sa puso't magunita ng isipan.

Nakalulungkot ang sabihing: "paalam kaibigan"
Ngunit batid kong alaala nati'y lagi mong tangan;
Sa'n man mapadpad ng panahong maduyan
Nawa'y ihirati ang galak at tuwa ng nakaraan.

Kaibigan, salamat sa mga sandaling inialay
Salamat sa pinagsamaha't mga turong tunay
Puso ko'y nilipos mo ng mga salitang dalisay
Inilapit mo ako sa Diyos at niyaring banal.

Kaibigan, hindi kita malilimot sa isip sadya,
Ikaw ang umakay sa akin sa katotohana't ligaya
Salamat kaibigan, sa tuwa at pagsasama,
Pakakaingitan 'yang mga munti nating alaala.

Comments

Popular posts from this blog

Aklanon Common Greetings and Salutations

Patugma (Aklanon Riddles)

“Mamugon”