Paalam

ni Darwin Tapayan

Sadyang kay lungkot ang maghiwalay
Sa isang tapat at kaibigang tunay.

Ako’y nagdaramdam ng lubos,
Subalit ika’y nasa puso’t ‘di malilimot.

Kaibigan, salamat sa magandang ala-ala,
Salamat sa masaya’t makulay nating pagsasama.

Naisip ko, ano kaya ang bukas na sa ati’y naghihintay?
Nawa’y maging masaya at gumanda ang ating buhay.

Malungkot man, ika’y sadyang nasa puso ko…
Paalam kaibigan matalik at totoo.

Comments

Popular posts from this blog

Aklanon Common Greetings and Salutations

Patugma (Aklanon Riddles)

“Mamugon”