Ang Hiwaga ng Ngiti

ni Darwin Tapayan

Sa aking paglalakbay,
Pangamba’t takot ay nanalaytay;
Pighati, lungkot at lumbay
Ay numumuo sa masalimuot kong buhay.

Sa aking pakikisalamuha,
Minsang nadama ko ang pagluha
Lumbay at kimkim ay nanguna,
Sa puso namumuhay, ako’y nangamba.

Sa aking pakikipamuhay,
Minsang natisod sa bato’t nalatay
Winaring wala ng makikiramay
Akong wala ng pag-asang mabuhay.


Sa aking paglalandas,
Sa daan ng buhay ako ay nadulas,
Nawari ko ang lungkot ay wala ng lunas;
Kagandahan ng buhay ay kailan ko kaya matatalastas.

Sa panahon ng kalungkutan ay namutawi,
Panambitan ko’y aking ibinati;
Sa langit ay bumuntong at nakiwari
Sana’y lumbay ay mahawi.

Pumatuloy ang yugto ng panahon
Pumatuloy ang pagsubok at hamon,
Ngunit asam ko’y pag-asang ayon—
Ngiti sana’y siya ang hihilom.

Sugatan ang puso’t isip ko’t diwa,
Batid kong ang ngiti’y may hiwaga,
Siyang lunas sa pighati ko’t pagdurusa
Talastas kong siya ang aking umaga.

Ngiti’y sadyang mahiwaga,
Taglay ay lunas sa pusong nangangamba,
Sa buhay ay lilipos ng pag-asa

Kaya’t ngiti sana ay sumagana.

Comments

Popular posts from this blog

Aklanon Common Greetings and Salutations

Patugma (Aklanon Riddles)

“Mamugon”