Himig ng Pasko
ni Darwin Tapayan
Malamig ang simoy ng hanging humahaplos
Sa puso ko’y umaawit, nagsasayang lubos
May galak ang mga dahon sa puno
Wari kong nagsasayaw sa himig ng Pasko.
O kaysarap pakinggan himig ng lansangan
Kalansing ng murang kahoy na may mga tansan
Dulot ng tugtugin: Pasko ay sadyang ligaya
Tiyak na buhay ay malulubos sa pag-asa.
Himig ng Pasko ay laganap sa nayon
Kapagdaka, naantig na puso ay napapalingon
Hinahanap awiting nagsariwa ng aking buhay
Sa bawat sandal ay nagdudulot ng kulay.
O kay saya, hali na at magdiwang
Ikagalak isang maanyo at butihing pagsilang
Ng sanggol na Jesus sa sabsaban ng inang mahal
Nawa’y maisapuso at isahimig ang anyong banal.
Sumaliw na ang tinig sa tugtuging marangya
Aliw-iw ay sadyang naaantig, mariwasa;
Sa himig ay namulat ang puso kong pahat
Sa pagdiriwang na nga’t dakila sa lahat.

Comments
Post a Comment