Posts

Showing posts from December, 2016

Kislap ng Salapi

Image
ni Darwin Tapayan Minumutya ka’t niluludhan ng madla Sa kislap mong taglay sila’y napatunganga Naghumlad ng palad, sakali’y biyaya; Hangaring marupok ang maging dakila. Masdan mo ang maralita ng lansangan ‘Di baga’t uhaw sayong kadakilaan, Sayo’y nanikluhod sakali’y makamtan Hangari’y malasap kislap na ‘yong tangan. Ikaw nga’y ugat ng kapangahasan Ng madlang sayo’y dumakila’t umasam Hangad ay magpakariwasa sa yaman Ni hindi minasid, tao ng lansangan. Kislap mo’y sadyang maningas, mapangsilaw Murang papel kung ika’y sadyang matanaw Ngunit kapara’y hiyas na mapang-uhaw Sa mundong ito’y yaring ikaw ang gugunaw.

Ang Hiwaga ng Ngiti

Image
ni Darwin Tapayan Sa aking paglalakbay, Pangamba’t takot ay nanalaytay; Pighati, lungkot at lumbay Ay numumuo sa masalimuot kong buhay. Sa aking pakikisalamuha, Minsang nadama ko ang pagluha Lumbay at kimkim ay nanguna, Sa puso namumuhay, ako’y nangamba. Sa aking pakikipamuhay, Minsang natisod sa bato’t nalatay Winaring wala ng makikiramay Akong wala ng pag-asang mabuhay. Sa aking paglalandas, Sa daan ng buhay ako ay nadulas, Nawari ko ang lungkot ay wala ng lunas; Kagandahan ng buhay ay kailan ko kaya matatalastas. Sa panahon ng kalungkutan ay namutawi, Panambitan ko’y aking ibinati; Sa langit ay bumuntong at nakiwari Sana’y lumbay ay mahawi. Pumatuloy ang yugto ng panahon Pumatuloy ang pagsubok at hamon, Ngunit asam ko’y pag-asang ayon— Ngiti sana’y siya ang hihilom. Sugatan ang puso’t isip ko’t diwa, Batid kong ang ngiti’y may hiwaga, Siyang lunas sa pighati ko’t pagdurusa Talastas kong siya ang aking umaga. ...

Himig ng Pasko

Image
ni Darwin Tapayan Malamig ang simoy ng hanging humahaplos Sa puso ko’y umaawit, nagsasayang lubos May galak ang mga dahon sa puno Wari kong nagsasayaw sa himig ng Pasko. O kaysarap pakinggan himig ng lansangan Kalansing ng murang kahoy na may mga tansan Dulot ng tugtugin: Pasko ay sadyang ligaya Tiyak na buhay ay malulubos sa pag-asa. Himig ng Pasko ay laganap sa nayon Kapagdaka, naantig na puso ay napapalingon Hinahanap awiting nagsariwa ng aking buhay Sa bawat sandal ay nagdudulot ng kulay. O kay saya, hali na at magdiwang Ikagalak isang maanyo at butihing pagsilang Ng sanggol na Jesus sa sabsaban ng inang mahal Nawa’y maisapuso at isahimig ang anyong banal. Sumaliw na ang tinig sa tugtuging marangya Aliw-iw ay sadyang naaantig, mariwasa; Sa himig ay namulat ang puso kong pahat Sa pagdiriwang na nga’t dakila sa lahat.

Paalam

Image
ni Darwin Tapayan Sadyang kay lungkot ang maghiwalay Sa isang tapat at kaibigang tunay. Ako’y nagdaramdam ng lubos, Subalit ika’y nasa puso’t ‘di malilimot. Kaibigan, salamat sa magandang ala-ala, Salamat sa masaya’t makulay nating pagsasama. Naisip ko, ano kaya ang bukas na sa ati’y naghihintay? Nawa’y maging masaya at gumanda ang ating buhay. Malungkot man, ika’y sadyang nasa puso ko… Paalam kaibigan matalik at totoo.

Kabataan: Handog ng Diyos

Image
ni Darwin Tapayan by ponoramio Kabataan… kabataan, Ikaw na mulat sa bagong kabahisnan Handog  ka ng Diyos sa kaunlaran Sa masagana at mapayapang bayan. O kabataan… anak ng Diyos Pinagpala ka sa kaibigan lubos Ikaw na huwaran sa lahat ng musmos, Sabik ng Diyos ay huwag nawang malimot. Kabataan… magsumikap ka’t magtiyaga Batirin ang inam ng pagpapala Itatag ang saligan ng pananampalataya At ihandog ang karunungan sa kapwa. Kabataan, landas mo’y pakatuwirin Kautusan Niya’y iyong sundin Nang ika’y di mapariwara sa dilim Nang buhay mo’y umunlad rin. Kabataan… hali na sa kapatiran Mag-isa at mangagsipagkaibigan Sama-samang harapin ang kinabukasan, Maglakbay sa landas ng kutuwiran. Kabataan, magulang mo’y umaasa Buhay mo sa bukas ay gumanda Na sa kanila’y ihandog ang ligaya, Mainam at matatag na pagsasama. O kabataan, magsumikap kang maabot Pangarap mong sa bukas ay handog, Sa Simbaha’y karangalan nawa ang dulot, Paglago ng kapatiran ay isa-Diyos. ...

Ang 4P’s sa Pag-unlad sa Buhay

Image
isang sanaysay ni Darwin Tapayan Pinangangambahan ngayon ng libu-libong mga mahihirap na benipesaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) ng gobyerno na baka alisin na ang programang ito na para sa kanila ay nakatulong ng malaki. Gayunman mga kaibigan, hayaan nyo pong ibahagi ko sa inyo ang 4P’s na tiyak na magbibigay ng tulong sa atin hindi lamang sa mga pagkakataong ito kundi sa panghabambuhay. Tatawagin ko ang 4P’s na ito na 4P’s sa Pag-unlad sa Buhay.  Ang mga P na ito ay: Pangarap, Pananampalataya, Pagsisikap, at Paglilingkod. Ang mga ito ang napatunayan kong naging tulong sa akin sa kung anong mga tinatamasa kong mga pag-unlad sa buhay ngayon. Ang unang P ay Pangarap. Ang pag-unlad sa buhay ay nagsisimula sa pangarap. Ang pangarap ang siyang nagiging inspirasyon natin upang kumilos tungo sa pag-unlad. Ibig sabihin, sinuman ay hindi uunlad sa buhay na ito kung siya ay walang pangarap. Nawa ito ang iukit ng mga magulang sa kanilang mga anak na habang sa murang ed...