'Aklanon' Mamatay Na
ni Darwin Tapayan Nagulat kayo sa pamagat ng kolum na ito ano? Ang Aklanon ay maaring tumukoy sa mga taong tubong probinsiya ng Aklan o lenggwahe ng mga tao rito, kagaya ng Illongo, o Ilokano. Sinasalita rin ang Aklanon (o Inakeanon) sa ilang mga bayan ng Capiz. Nililinaw ng ilang diksyunaryo na ang dialekto ay isang uri ng o lokal na lenggwahe. Ang pahayag na ito ay batay sa kinatatakutan noon pa ng ngayon ay yumaong si Roman A. Dela Cruz, isang bantog na manunulat na nagtaguyod ng panitikang Aklanon. Sa kanyang tanyag na Five Language Dictionary (2004), ipinahayag niya ang pangamba na baka balang araw ay makalimutan na ng karamihan ang wastong gamit at ang dalisay na kalikasan kung paano ito sinasalita ng mga ninunong Aklanon. Kinumpirma ni Sumra Dela Cruz-Rojo, curator ng Museo it Akean at anak ni Roman Dela Cruz, na paunti-unti na ngang nawawala ang kadalisayan ng dialektong ito. Ito ang personal na sinabi niya sa akin taong 2009 pa sa isang tour sa museo ng grupo nami...