Posts

Understanding Blog, Vlog, Micro-blog

Image
Before becoming a vlogger and an active social media user, I was a fan of blogging where I posted my literary articles, and new stories. To have a published article on the web where people from around the world can see it is already a great accomplishment to me. On the other hand, because of the trend of social media like Facebook, Instagram, and Twitter now a day, I have shifted my interest in to these platforms. Blogging in Social Media Age I have learned this week in our readings in our class in Social Media Marketing at BYU-Idaho Online through BYU Pathway Worldwide the importance of blogging in spite the popularity of social media.  Yes. Blogging is an important piece of an effective social media campaign. With blogs, you can show to your audiences different pieces of contents like photos, videos, graphics, audios, other than the articles as main content. This means that with blogs, you have control over your content compare to social  media which you are "renting space...

Panalangin sa Paghilom ng Mundo

Image
Isang tula-panalangin panitik ni Darwin Tapayan Amang makapangyarihan, dakila sa lahat Diyos na may likha ng sanlibutan, sansinukob Yumuyukod kami sa lilim ng Inyong paggabay, pagbabasbas Usal itong papuri, pasasalamat, mga paghihinagpis Dinggin Niyo po itong aming samu't dasal sa panahong tila walang katiyakan Panahon ng bagabag, sa ami'y ligalig, pangamba. Sa kabila nito, higit sa lahat kami sa Inyo'y nagpupuri Amang nasa Langit Pumupuri po kami sa Inyong hindi nagmamaliw na pag-ibig, walang kapantay na pagkalinga. Pamupuri sa Inyong dalisay na kabutihan, walang humpay na patnubay. Pumupuri kami sa Inyong hindi maarok na Karunungan, Kadakilalaan. Kami ay nagpapasalamat na kahit sa mga sandaling ito ng paglaganap ng salot; Pinaglapit Niyo ang sangkatauhan, kaming Inyong mga anak na babae at lalake Na pinaghiwalay ng dagat, wika, kaugalian at maging paniniwawala; Pinaghihilom Niyo ang hidwaang namamayani sa mga bansa upang magkaisa. Binigyan Niyo ...

‘Multiple entry, multiple exit’ – Kaeuoy man ro Boracay!

Image
news analysis ni Darwin Tapayan ‘Multiple entry, multiple exit’ raya ro nagaguwa makaron sa sikat nga isla it Boracay butang nga mabahoe nga paeag raya sa seguridad it mga bisita ag mga pumueuyo riya. Gin-aku ni Niven Maquirang, Caticlan jetty port administrator, sa ginpatigayun nga paghilibati (hearing) sa Sangguniang Panlalawigan nga owa napapatuman ro ‘one entry, one exit policy’ it probinsiya. Euwas abi sa main entry ag exit point nga Caticlan jetty port ag Cagban port sa isla, may an-om pa gali ka welcome center it mga resort nga naga-operate man sa mainland Malay nga ginagamit mang entry ag exit point it iba nga mga bisita. Do makahawag-hawag hay wa gid nagaagi sa security check ro mga bisita ngara ag mga bagahe nanda. Do Shangrila sa brgy. Yapak, Boracay hay may kaugalingon ta nga port; do mga baruto nga nagahalin sa Hambil, Romblon nagadungka man sa station 1 sa Boracay; indi man maitago nga ro back portion it isla eabi eon gid sa Bulabog beach ag bisan sa may ...

Dahil

ni Darwin Tapayan Dahil… Dahil Sa’yo ako’y may buhay Dahil sa inyo ako’y namulat Dahil sa kahirapan ako’y nagsumikap Dahil sa pag-asa ako’y may pangarap Dahil sa paglalakbay ako’y natuto Dahil sa pag-ibig ako’y naging tao. Dahil!

Minumutyang Bayan

ni Darwin Tapayan Minumutyang bayan Tangi at hinirang Lupain ng magigiting Pugad ng likas na yaman. Bayan kong sinta Siniil man ng laksang dayuhan Heto’t nakikihamon Sumisibol ang kabayanihan. Minumutyang bayan.

Kislap ng Salapi

Image
ni Darwin Tapayan Minumutya ka’t niluludhan ng madla Sa kislap mong taglay sila’y napatunganga Naghumlad ng palad, sakali’y biyaya; Hangaring marupok ang maging dakila. Masdan mo ang maralita ng lansangan ‘Di baga’t uhaw sayong kadakilaan, Sayo’y nanikluhod sakali’y makamtan Hangari’y malasap kislap na ‘yong tangan. Ikaw nga’y ugat ng kapangahasan Ng madlang sayo’y dumakila’t umasam Hangad ay magpakariwasa sa yaman Ni hindi minasid, tao ng lansangan. Kislap mo’y sadyang maningas, mapangsilaw Murang papel kung ika’y sadyang matanaw Ngunit kapara’y hiyas na mapang-uhaw Sa mundong ito’y yaring ikaw ang gugunaw.

Ang Hiwaga ng Ngiti

Image
ni Darwin Tapayan Sa aking paglalakbay, Pangamba’t takot ay nanalaytay; Pighati, lungkot at lumbay Ay numumuo sa masalimuot kong buhay. Sa aking pakikisalamuha, Minsang nadama ko ang pagluha Lumbay at kimkim ay nanguna, Sa puso namumuhay, ako’y nangamba. Sa aking pakikipamuhay, Minsang natisod sa bato’t nalatay Winaring wala ng makikiramay Akong wala ng pag-asang mabuhay. Sa aking paglalandas, Sa daan ng buhay ako ay nadulas, Nawari ko ang lungkot ay wala ng lunas; Kagandahan ng buhay ay kailan ko kaya matatalastas. Sa panahon ng kalungkutan ay namutawi, Panambitan ko’y aking ibinati; Sa langit ay bumuntong at nakiwari Sana’y lumbay ay mahawi. Pumatuloy ang yugto ng panahon Pumatuloy ang pagsubok at hamon, Ngunit asam ko’y pag-asang ayon— Ngiti sana’y siya ang hihilom. Sugatan ang puso’t isip ko’t diwa, Batid kong ang ngiti’y may hiwaga, Siyang lunas sa pighati ko’t pagdurusa Talastas kong siya ang aking umaga. ...