Posts

Showing posts from April, 2020

Panalangin sa Paghilom ng Mundo

Image
Isang tula-panalangin panitik ni Darwin Tapayan Amang makapangyarihan, dakila sa lahat Diyos na may likha ng sanlibutan, sansinukob Yumuyukod kami sa lilim ng Inyong paggabay, pagbabasbas Usal itong papuri, pasasalamat, mga paghihinagpis Dinggin Niyo po itong aming samu't dasal sa panahong tila walang katiyakan Panahon ng bagabag, sa ami'y ligalig, pangamba. Sa kabila nito, higit sa lahat kami sa Inyo'y nagpupuri Amang nasa Langit Pumupuri po kami sa Inyong hindi nagmamaliw na pag-ibig, walang kapantay na pagkalinga. Pamupuri sa Inyong dalisay na kabutihan, walang humpay na patnubay. Pumupuri kami sa Inyong hindi maarok na Karunungan, Kadakilalaan. Kami ay nagpapasalamat na kahit sa mga sandaling ito ng paglaganap ng salot; Pinaglapit Niyo ang sangkatauhan, kaming Inyong mga anak na babae at lalake Na pinaghiwalay ng dagat, wika, kaugalian at maging paniniwawala; Pinaghihilom Niyo ang hidwaang namamayani sa mga bansa upang magkaisa. Binigyan Niyo